Customers

7 stories from #eTapParaSayo winners that prove Christmas is easier and merrier with eTap

Published on:
December 26, 2024

Sa Pilipinas, ang holiday season ay hindi lamang basta panahon—ito ay tradisyon that brings family together para sa isang masayang pagsasama, pasasalamat, at pagmamahal. As the year winds down, Filipino families come alive with traditions gaya na lang ng pagkukumpleto ng Simbang Gabi, pagkakaroon ng salo-salo tuwing Noche Buena, at siyempre, ang pagtitipon para sa Monito Monita.

Ngayong holidays, magpapahuli pa ba ang eTap sa bigayan? Galing sa #eTapParaSayo, maaari kang makakuha ng limpak-limpak na papremyo! Sali na sa #eTapParaSayo contest until December 27, 2024, at malay mo, isa ka sa mga mananalo ng up to Php10,000 sa grand draw!

Paano nga ba nakatulong ang #eTapParaSayo sa mga pamilyang Pilipino? Read on lang para malaman ang kanilang mga kuwento!

John Allen D., dedicated brother

“‘Yong time na nakalimutan naming magbayad ng electric bill, dito ako nakapag-cash in noon para ipadala sa kapatid ko. Salamat sa eTap, naihabol pa namin ang bayad kaya 'di kami naputulan noon. Malaking tulong talaga 'tong si eTap lalo na sa mga emergency na sitwasyon.”

Last-minute savior ba? Si eTap na yata ang ultimate 'rescue' button para sa mga bayarin na malapit na ang due! John Allen shares how eTap’s quick and hassle-free transaction process saved him valuable time, allowing him to settle his bills just in the nick of time.

Marilu S., on-the-go mom

“Naranasan mo na bang magbayad sa school nang walang hassle? Ginamit ko ang eTap machine at napaka-smooth ng proseso! Walang pila, walang abala, at sobrang user-friendly. Ang dali lang mag-input ng details at mag-confirm ng payment—ilang tap lang, bayad ka na agad!

Laking ginhawa lalo na para sa mga tulad kong on-the-go at maraming kailangang asikasuhin. Isa itong game-changer pagdating sa school transactions—no more stress, just pure convenience. Salamat sa ganitong klaseng technology, mas may oras na tayo para sa mas mahahalagang bagay.

Kung naghahanap ka ng hassle-free na paraan sa pagbabayad ng school fees, highly recommended ang eTap!”

School fees? No problem! Ang eTap ay tunay na game-changer. Marilu recalls how with eTap, ‘wala ng pila, wala ng abala, ilang tap lang and boom—bayad na!’ Ang seamless transaction process na siguro ang isa sa mga sagot sa dalangin ng lahat ng busy moms.

Juvilyn D., hardworking daughter

“Mabuti na lang, mayr’on ng eTap machine na malapit sa aming bahay. Ang laking tulong talaga para sa akin kasi wala siyang fee. Laking tipid lalo na at nagpapadala ako minsan sa mga magulang ko sa Manila. Nagagamit ko na rin sa aking munting negosyo at sa pagbabayad ng bills kaya maraming salamat sa eTap, laging maaasahan talaga.”

Para sa hardworking daughters na nagtatrabaho para sa pamilya, parang jackpot ang bawat gamit ng eTap dahil sa abot-kayang fees! Sobrang daming pwedeng gawin—mula sa pagpapadala ng pera sa pamilya hanggang sa pagbabayad ng bills—lahat ay accessible at hassle-free.

Gracell O., employee

“Hirap ako noon magpadala ng pambaon ng mga anak ko since nasa Manila ‘yong bata nag-aaral, sayang ang binabawas na fee kada transaction. Sa maliit na halaga ng kinikita sa probinsya, nababawasan pa. Salamat sa tulong ng #eTapParaSayo, nakarating nang maayos 'yong pinadala ko.”

Imagine na lang: bawat sentimo mo ay counted pa, tapos biglang may fee na kakainin. But thanks to eTap, Gracell emphasizes how your cash gets to your loved ones without the extra charges. Isa na namang big win for hardworking employees!

Dahlia P., small business owner

“Malaking tulong talaga si eTap sa mga katulad kong may maliit na negosyo. Malaking pasasalamat ko kay eTap dahil nagiging convenient na para sa akin ang pagbabayad ng bills at sa iba pa. Fast, secure, easy with eTap!”

Kung small business owner ka gaya ni Dahlia, si eTap na ang bahala sa bills mo—super fast, secure, at easy! Parang may assistant ka na hindi natutulog, ready to save you time and money.

Ginalyn J., loyal ka-eTap

“Sobrang laki ng naitutulong sa akin ng eTap—sa oras ng emergency ay talagang maaasahan at hindi ka iiwanan tulad ng mga pang-load sa mobile phone, bayarin sa bills, at sa iba pa. Naging parte na ng aming buhay si eTap... Tunay na maaasahan! Kaya't maraming salamat sa 'yo, eTap, lalo mong pinadali ang aming buhay at laging nandiyan sa oras na aming kailangan. The best ka talaga, eTap! Maligayang Pasko po!”

Ginalyn recounts how from baby bottles to bill payments, eTap has been there every step of the way. Parang family na laging nandiyan in times of need.

Dorie G., proud nanay

“Namamalengke ako noon kasama ang aking bunsong anak nang biglang mag-text ang aking panganay na anak na nakapasa siya sa audition ng speech choir. Mahal kasi ang membership doon pero kapag nakapasa ka ay miscellaneous fee na lang ang babayaran. Sa sobrang tuwa ko at excited ay nagpunta agad ako sa eTap machine sa harapan ng The Generics Pharmacy at ipinadala ang kailangang pambayad ng aking anak via GCash. Sobrang convenient, very easy to use talaga ang eTap machine. Super bilis natanggap ng aking anak ang aking ipinadala, walang kuskos balungos, received na agad ang pina-cash in. Kaya sa eTap talaga ako nagtitiwala, mula noon, ngayon, at magpakailanman.”

From grocery runs to proud mom moments like Dorie’s, eTap has your back. Imagine sending money faster than your excitement can say ‘yes!’ No stress, no hassle—just a smooth transaction from start to finish. Super winner!

Sa pamamagitan ng #eTapParaSayo promo at mga serbisyong hatid ni eTap, siguradong ang bawat pamilyang Pilipino ay mararanasan ang mas masaya at maginhawang selebrasyon. This season of giving—and in every small or big win in life—nandiyan ang eTap na ready samahan at tulungan ang bawat Pilipino sa araw-araw.

Ang eTap Para Sa ‘Yo ay para sa bawat Pilipinong nagsumikap, nagmamahal, at nagpapatuloy ipamahagi ang regalo ng pagiging Pinoy tuwing Pasko.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, mga ka-eTap!

ETAPPARASAYO for the period 2024-11-01 to 2024-12-27 and Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-206098 Series of 2024.

By Aira Matsushita (Copywriter)

Thumbnail by Brennan Cahilig (Multimedia Designer)

Continue Reading